Nagbanta si US President Donald Trump na aalisin ang Iran nuclear deal kapag hindi pumayag ang Kongreso at kanilang mga kaalyadong bansa na palakasin ito.
Sinabi ni Trump na isang one sided transaction ang nasabing kasunduan na pinasok ng United States.
Ayon kay Trump, aayusin na lamang niya ang ilang bahagi ng kasunduan kaysa tuluyan niya itong ipawalang-bisa.
Inakusahan pa ni Trump ang Iran na maraming paglabag sa naturang kasunduan.
—-