Pinasalamatan ni US President Donald Trump ang Russia sa ginawang pagsipa sa daan-daang American diplomats sa kanilang bansa.
Giit ni Trump, kapuri-puri si Russian President Vladimir Putin dahil makakatipid ang United States government sa sahod ng mga diplomat.
Subalit ipinaliwanag naman ni White House Press Secretary Sarah Huckabee sanders na naging “sarcastic” lamang si Trump nang ilabas ang naturang komento.
Una nang inanunsiyo ni Putin na dapat wala na sa kanilang bansa ang mahigit 700 US diplomats hanggang sa Setyembre 1.
Sinasabing ganti ito ng Moscow sa US dahil sa nakalusot na batas ng Congress na nagpapalawak ng mga sanction laban sa Russia.
By Gilbert Perdez