Nanawagan si US President Donald Trump ng pagkakaisa upang buhayin ang mga pangarap ng mga mamamayan ng Estados Unidos.
Sa kanyang kauna-unahang State of the Union Address (SOTU), binigyang-diin ni Trump na ngayon ang tamang panahon upang muling isabuhay ang ‘American dream’.
Sinabi ni Trump na walang pangarap na hindi kayang abutin ang mga mamamayan ng Amerika kung may pagkakaisa.
Samantala, isang milyon at walong daang libong (1,800,000) na illegal immigrants sa Amerika ang binigyan ni US President Donald Trump ng pagkakataong maging legal na mamamayan ng Estados Unidos.
Sa kanyang SOTU, tinukoy ni Trump ang mga bata pa nang dalhin sa Amerika ng kanilang mga magulang.
Maaari aniyang maging american citizen ang mga illegal immigrant depende sa kanilang edukasyon at klase ng kanilang trabaho.