Naniniwala si Republican Presidential Candidate Donald Trump na mananalo siya sa nalalapit na eleksyon kahit na nangungulelat sa surveys.
Tinukoy ni Trump ang iba pang surveys gaya ng investors business daily at Rasmussen na nagsasabing lamang siya sa katunggali na si Democrat standard bearer Hillary Clinton.
Ngunit lamang naman si Clinton sa karamihan ng mga battleground states sa iba pang national survey.
Sinabi rin ni Trump sa harap ng kaniyang supporters na nangunguna siya sa mga swing states kagaya ng Ohio, Iowa, North Carolina at maipapanalo rin umano niya ang Florida.
Ngunit sa survey, nasa dead heat ang dalawa sa North Carolina at Ohio habang nakakalamang naman si Clinton sa Florida.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AP