Inihayag ni U.S. President Donald Trump ang bagong panuntunan sa pagkakaroon ng visa na layong higpitan ang pagpasok ng mga buntis sa kanilang bansa o tinatawag na “birth tourism”.
Ayon kay trump may ilan kasing ina na nagtutungo sa Estados Unidos para doon manganak upang madaling magkaroon ng U.S. passport ang kanilang isisilang na sanggol.
Aniya made-deny ang U.S. visa application ng isang buntis kapag napatunayan ng mga consular officer na layon lamang nitong magsilang sa Estados Unidos.
Giit ni Trump, mas katanggap-tanggap pa ang panganganak sa kanilang bansa kung talagang may kinakailangang atensyong medikal ang isang ina na hindi kayang ibigay sa bansang pinanggalingan nito.