Hindi na tumuloy si US President Donald Trump sa nakatakda sanang pagbisita nito sa demilitarized zone o ang border ng North at South Korea.
Ito’y ayon sa White House ay bunsod ng masamang lagay ng panahon sa lugar kaya’t hindi na ito tinuloy pa ng US President sa halip ay dumiretso na lamang ito sa kaniyang iba pang biyahe.
Nasa South Korea ngayon si Trump at nakatakda nang tumulak patungong China bilang bahagi ng kaniyang Asian trip at dideretso na ng Vietnam para dumalo naman sa APEC o Asia Pacific Economic Cooperation Summit.
Kasunod nito, muling nagbabala si Trump sa North Korea na huwag subukan ang kaniyang liderato hinggil sa pagiging agresibo nito sa mga armas nuclear dahil hindi niya ito kukunsintehin.
—-