Tinawagan ni US President-elect Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nangyari ang pag-uusap pasado alas-10:00 kagabi kung saan inilarawan ni Special Assistant to the President Bong Go na naging maayos ang naturang pag-uusap ng dalawang lider ng bansa.
Sumentro ang pag-uusap ng dalawa sa imbitasyon ni Trump sa Pangulong Duterte na bumisita sa White House sa susunod na taon.
Bilang tugon ay inimbitahan din ng Punong Ehekutibo si Trump na dumalo sa 2017 ASEAN Summit kung saan host ang Pilipinas.
Tumagal ang phone conversation nina Pangulong Duterte at Trump ng sampung minuto.
Nag-post pa si Go ng larawan kung saan nasa likod nito ang Pangulo habang nakikipag-usap sa telepono kay Trump.
Dahil dito, umaasa ang m Malacañang na simula na ito ng muling pagsigla ng ugnayan ng Pilipinas na tila umasim nang kwestyunin ng Estados Unidos ang isyu ng extrajudicial killing sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte.
By Ralph Obina
Photo from: Bong Go | via Aileen Taliping (Patrol 23)