Pinangunahan ni President Donald Trump at asawang Melania ang paggunita sa ika-16 na anibersaryo ng 9/11 attack.
Bilang pag-aalala sa mga nasawi sa nasabing pag-atake, nag-alay ng saglit na katahimikan at pagpapatunog ng kampana sa White House, Pentagon at 9/11 Memorial and Museum.
Matapos nito ay isa-isang binasa ang mga pangalan ng 3,000 mga nasawi sa 9/11 attack.
Nakilahok din si Trump sa isang private ceremony ng Pentagon kasama sina Defense Secretary James Mattis at Chairman of the Joint Chief of Staff General Joseph Dunford para sa mga kaanak ng mga namatay na biktima.
—-