Pinuri ni US President Donald Trump ang Pilipinas bilang tanging bansa sa Asya na may mataas na ranggo sa global gender gap report ng World Economic Forum.
Sa kanyang talumpati sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC CEO Summit na ginaganap sa Da Nang, Vietnam, pinapurihan ni Trump ang Pilipinas bilang pinaka-unang bansa na kumilala sa kakayahan ng mga kababaihan sa larangan ng pulitika at pagne-negosyo sa Asya.
Matatandaang sa loob ng 11 taon mula 2006 ay pasok sa top ten ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na nagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan nito sa iba’t ibang larangan.
—-