Plano ngayon ni US President Donald Trump na bigyan ng US ctizenship ang 1.8 milyon katao.
Ito ang ibinunyag ng mataas na opisyal ng White House kung saan sinasabing layunin nito ay para may pondong makalap sa pagpapatayo ng border wall.
Ang nasabing panukala ay posibleng ilahad sa mga susunod na araw na humihiling ng 25 billion dollars na pondo sa pagtayo ng pader sa Mexican border.
Sinasabing ang mga residente ng Amerika ay maaari lamang na mag-sponsor ng visas sa kanilang asawa at mga anak at hindi na sa iba pang mga kaanak.
—-