Pinag-aaralan ni US President Donald Trump na bumuo ng panibagong kautusan na magbabawal sa mga migrante mula sa mga Muslim countries na pumasok sa Amerika.
Itoy makaraang tablahin ng US Court of Appeals ang unang immigration ban ni Trump.
Ayon sa Pangulo ng Amerika, kumpiyansa siyang mananalo sila sa paglaban sa legalidad ng una niyang immigration ban.
Kailangan anyang makapaglabas agad ng panibagong kautusan tungkol sa pagtanggap ng mga residente mula sa Muslim countries dahil sa isyu ng seguridad.
Inamin ni trump na may mga banta sa kanilang bansa na nangangailangan ng agarang aksyon.
By Jonathan Andal (Patrol 31)