Ipinagkibit balikat lamang ni U.S. President Donald Trump ang pagkansela ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa isang panayam, sinabi ni Trump na mahal ng Estados Unidos ang Pilipinas subalit ayos lang sa kanya kung wala na ang VFA.
Sa katunayan, ipinagpapasalamat na rin anya nya ang pagkansela sa VFA dahil malaki ang matitipid na pondo ng Estados Unidos.
I’ve never minded it very much. We helped the Philippines very much. I have a very good relationship to them. I really don’t mind if they really want to do that. Thank you very much we’ll save a lot of money,” ani U.S. President Donald Trump
Bilang tugon, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na posibleng naniniwala si Trump na panahon na para tumayo sa sariling mga paa ang Pilipinas pagdating sa kapabilidad na idepensa ang bansa.
Naniniwala si Panelo na nakuha ng Pilipinas ang respeto ng Estados Unidos dahil sa paninindigan na hindi kailangan ng Pilipinas ang Amerika.