Tumaas ang trust at approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan.
Batay sa inilabas na fourth quarter survey results ng Publicus Asias “Pahayag”, umakyat sa 65% ang approval rating ng pangulo na mas mataas ng 5% sa naitala noong third quarter.
Tumaas din ng 2% ang trust rating ni Duterte kaya pumalo na ito sa 55%.
Nakuha rin ng pangulo ang highest share para sa Bravery, Love for the Philippines, Decisiveness at Concern for Filipinos.
Ang nasabing survey ay isinagawa noong December 6 at nagtagal hanggang December 10. —sa panulat ni Joana Luna