Hindi na ikinagulat ng Malakanyang ang mataas na trust rating ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa PUBLiCUS survey dahil sa maayos na pagganap sa tungkulin nito sa panahon ng sakuna.
Batay sa PUBLiCUS 3rd quarter survey,nakakuha ang AFP ng highest trust rating na 57%.
Sinundan ito ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), 56% at Department of Education (DEPED), 55%.
Ayon kay Office of the Press Secretary OIC Cheloy Garafil, hindi na nakabibigla ang resulta ng survey dahil direktang kasama ang militar sa mga search and rescue operation sa tuwing may sakuna.
Samantala, ang top 10 agencies na may high approval ratings ay kinabibilangan ng TESDA, 68%; AFP, 67%; DEPED, 63%; BSP, 63%; DSWD, 62%; DOST, 61%; CHED, 61%; DOT, 60%; DFA at DOLE na may tig – 58%. – sa panulat ni Hannah Oledan