Kapwa bumaba ang trust ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte sa huling bahagi ng 2024.
Batay sa survey ng Social Weather Stations, mula sa 33% na trust rating ni PBBM noong Setyembre, bumaba ito sa 29% ngayong buwan ng Disyembre.
Bumulusok naman sa 23% ang rating ni VP Sara, mula sa 29% noong Setyembre.
Isinagawa ang naturang survey mula December 12 hanggang 18, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa mahigit 2,000 respondents edad 18 pataas.