Pinangangambahang lumiit na ang tsansa ng Pilipinas na makasagip pa ng mga Pilipinong nasa death row sa ibang bansa
Ito’y sa sandaling maisabatas nang muli ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty dito sa Pilipinas
Ayon kay Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, mawawalan na ng saysay ang mga gagawing pakikiusap ng Pilipinas sa ibang bansa tulad ng Saudi dahil kapwa na silang nagpapatupad ng parusang kamatayan
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs o DFA, aabot sa 79 na mga Pilipino ang nasa death row sa ibayong dagat kabilang na ang pinay drug convict na si Mary Jane Veloso sa Indonesia
By: Jaymark Dagala