Bukas ang Tsina para sa isang mapayapang muling pag-iisa sa bansang Taiwan.
Inaangkin ng China ang demokratikong pamahalaan ng Taiwan bilang teritoryo nito subalit hindi tanggap ng Taiwan ang pag-angkin nito.
Nagsagawa ang China ng drills malapit sa Taiwan mula nang bumisita si US House Speaker Nancy Pelosi sa Taipei.
Ayon kay ma Xiaoguang, tagapagsalita ng Taiwan Affairs Office ng China, na handa ang bansa para sa isang mapayapang reunification.
Ayon sa Mainland Affairs Council ng Taiwan hanggang 23 milyon katao ang magpapasya kung pabor sa pag-iisa sa China.
Subalit, malinaw na ito’y tinanggihan ng mga Taiwanese, kabilang na ang mga mainstream na partidong pampulitika ng taiwan matapos ang karahasang naranasan ng lungsod mula sa China. —sa panulat ni Jenn Patrolla