Tinatayang nasa mahigit 500,000 hinihinalang shabu ang nasabat mula sa isang lalaking Chinese sa Mandaluyong City.
Sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) special enforcement service at PDEA Region 3 inaresto ang 30 taong gulang na Chinese na kinilala sa pangalang Xu.
Narekober sa isang condominium sa Barangay Hulo kung saan nakatira ang suspek ang tatlong apkete ng umano’y shabu na nakasilid sa kahon ng lalagyan ng face mask.
Nasa isandaang gramo ang timbang na tinatayang nagkakahalagang P680,000 ang naturang droga.
Ayon sa PDEA, nagtatrabaho si Xu sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ngunit ito’y natanggal sa trabaho.
Kakasuhan ang Chinese sa paglabag sa Dangerous Drugs Act.
Samantala, inaalam ng PDEA kung saan nanggaling at kumukuha ang tsino ng supply ng droga.