Maglulunsad ng web application ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na magsisilbing gabay ng mga lokal na pamahalaan sa paghahanda laban sa tsunami.
Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum Jr., sa pamamagitan ng tsunami analytics app ay makapaghahanda ang mga lokal na pamahaal sa sakaling tumama ang tsunami o ang pagbugso ng tubig mula sa dagat patungo sa lupa matapos ang isang lindol.
Ayon kay Solidum, isasabay ang launching ng nabanggit na app sa paggunita ng World Tsunami Awareness Day sa Martes, Nobyembre 5.
Dagdag pa ng opisyal, sa ganitong paraan ay mapapataas ang kahandaan at kaalaman ng publiko pagdating sa tsunami.