Binalaan na ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang ilang barangay chairmen dahil sa mga report ng umano’y paglabag sa quarantine protocols sa kani-kanilang mga lugar.
Kabilang dito ang umanoy mass gathering tulad ng inuman at pagbi-videoke sa ilang barangay sa Marikina City tulad ng Fortune, Parang at Marikina Heights.
Sinabi ni Teodoro na ipinagbabawal pa rin ang mass gathering kaya’t pag nagpatuloy ito ay sususpindihin niya ang mga kapitan.
Ayon kay Teodoro umaksyon na ang mga kinauukulan sa parehong mga insidente na napaulat dalawang linggo na ang nakakalipas.
Pinaalalahanan din ni Teodoro ang mga pulis na gawin ang tungkulin sa pagpapatupad ng quarantine protocols kung ayaw ma suspindi ng mga ito o mailipat sa ibang lugar.
Sa kasalukuyan ang Marikina City Ay nakapagtala ng 713 coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases kung saan 323 ang active cases, 353 ang naka-recover at 37 ang nasawi.