Pinaninindigan ng isang kolumnista ng Time Magazine ang kanyang sinulat na artikulo na naglalarawan kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘strongman.’
Maliban kay Duterte, tinawag din nitong ‘strongmen’ sina Russian President Vladimir Putin, Hungarian Prime Minister Viktor Orbán at Turkisht President Recep Tayyip Erdogan.
Ang terminong ‘strongman’ ay tumutukoy sa isang political leader na gumagamit ng pwersa o military method na parang diktador, bagay na mariing pinabulaanan ng pangulo.
Ayon kay Foreign Affairs Columnist at Time Editor-at-Large Ian Bremmer, kilala si Duterte sa mga matatapang nitong pahayag kaya naniniwala siyang gusto rin ng pangulo na tinatawag siyang ‘strongman’ kahit ayaw niya itong aminin.
Una nang iginiit ni Duterte na hindi siya kailanman naghari-harian at naluklok aniya siya sa pwesto dahil sa kanyang pangakong labanan ang korapsiyon, kriminalidad at droga.