Paiiksiin na lamang ng Department of Health ang treatment plan o gamutan para sa mga may tubercolosis.
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, na mula sa anim na buwang gamutan ay paiikliin ito sa apat na buwan, na ipatutupad sa ikatlong quarter ng taon.
Giit ng kalihim, na ang mas maikling panahon ng pag-inom ng gamot para sa tuberculosis ay mas makatutulong upang gumaling ng tuluyan ang t.b at mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Inirekomenda rin ng World Health Organization na dapat aabutin hanggang 4 na buwan ang gamutan kung saan iinumin lamang ng pasyente ang isang partikular na gamot sa loob ng dalawang buwan at pagkatapos ay ibang gamot naman sa natitira pang dalawang buwan.
Matatandaang naiulat na isa ang Pilipinas sa apat na bansa na may pinakamataas na death cases ng TB. - sa panunulat ni Jenn Patrolla