Posibleng magpatuloy ang krisis sa suplay ng tubig.
Ito ang pangamba ng National Water Resources Board (NWRB) matapos hindi maabot ang target level ng tubig sa Angat dam bago matapos ang 2019.
Ayon kay NWRB Executive Dir. Sevillo David Jr., kailangan pang mapagkasya ang tubig hanggang sa tag-init at bago sumapit ang tag-ulan.
Aniya dahil mababa pa sa normal level ang tubig ng Angat dam, posibleng magpatuloy ang hindi normal na serbisyo sa publiko.
Magugunitang sa pinakahuling tala ng PAGASA Hydrology Division ay nasa 202. 6 meters pa lamang ang lebel ng tubig sa dam na malayo pa sa 212 meters na normal level nito.