Umangat ng konti ang antas ng tubig sa Angat Dam at iba pang dam sa Luzon matapos ang halos sunod-sunod na pagbuhos ng ulan.
Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, mula sa 178.37 meters nitong Biyernes ay bahagyang sumampa sa 178.47 meters ang water level sa Angat dam kaninang umaga.
Bagama’t malayo pa ito sa minimum operating level nito na 180 meters, sinabi ng PAGASA na malaking tulong pa rin ito bunga ng mga naranasang pag-ulan noong mga nakaraang araw.
Samantala, bahagya ring nadagdagan ang lebel ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat, Ipo at Caliraya dams.