Sumadsad na sa below critical level ang tubig sa Angat dam sa Bulacan.
Mula sa mahigit 180 meters, bumagsak sa 176.52 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam.
Batay ito sa monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office hanggang kahapon.
Ang Angat dam ang pangunahing pinagkukunan ng supply ng tubig ng Metro Manila at irrigation water para sa mga agricultural land sa Bulacan at ilang bahagi ng Pampanga.