Namemeligrong umabot sa kritikal na lebel ang tubig sa Angat Dam pagsapit ng Abril.
Ito, Ayon kay National Water Resources Board Director, Dr. Sevillo David Jr., ay batay sa water consumption at projected weather.
Posible anyang sumadsad sa kritikal na 180 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Hindi anya naabot ng Dam, na nagsusuplay ng 90% ng tubig sa Metro Manila, ang inaasahang lebel na 212 meters sa pagtatapos ng 2021.
Kasalukuyang nasa 202.8 meters ang lebel ng tubig sa nabanggit na water reservoir, na halos 9 na metrong kapos sa kinakailangang water level.
Dahil dito, umapela si David sa publiko lalo sa mga taga-Metro Manila na ngayon pa lamang ay magtipid na ng tubig upang maiwasan ang kakulangan sa mga susunod na buwan.