Inaasahang madadagdagan na ang antas ng tubig sa Angat Dam sa susunod na buwan.
Ito ay ayon sa PAGASA ay dahil sa mas marami ng ulan ang mararanasan sa bansa simula sa Hulyo hanggang Setyembre.
Ayon kay PAGASA Weather Division Chief Ezperanza Cayanan, makatutulong ang inaasahang maraming ulan para unti-unting mapataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Dagdag pa ni Cayanan, kinakailangan ang dalawa hanggang tatlong bagyo para maibalik sa 180 meters minimum operating level ang antas ng tubig sa Angat.
Una nang ibinabala ng NWRB o National Water Resources Board ang posibilidad na bumagsak sa 160 meter – critical level ang tubig sa Angat Dam ngayong linggo.
Ayon kay NWRB Board Executive Director Sevillo David Jr. patuloy pa rin ang pagbaba ng water level sa Angat Dam sa kabila ng mga nararanasang pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.