Sumadsad na sa naka-a-alarmang sitwasyon ang lebel ng tubig sa San Roque Dam sa Pangasinan.
Nito lamang Lunes ay bumaba sa 227 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam na ikinukunsiderang alarming level.
Ayon sa San Roque Power Corporation, pinangangambahang bumaba sa 225 meters ang lebel ng tubig o critical level bukas.
Sakaling mangyari ito, hindi na makapag-o-operate ang planta ng hanggang 8 oras upang mag-produce ng 115 megawatts at matatapyasan ang irrigation supply.
Nasa 30 ektaryang taniman ang namemeligrong makararanas ng kakulangan sa tubig kung hindi uulan. — sa panulat ni Drew Nacino