Tiwala ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na mapagbibigyan sila ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pulong kaugnay sa pag resolba sa endo o end of contract.
Sinabi sa DWIZ ni ALU-TUCP Spokesman Allan Tanjusay na nagpaabot na sila nang pagnanais na makausap muli ng personal ang Pangulo hinggil sa nasabing usapin.
Meron na po kaming dadalhan ng mensahe at sana po ay pagbigyan kami ni Pangulong Duterte na for the last time, bago ho mag labor day sa Mayo 1 ay linawin niya yung kanyang posisyon dahil so far, yung ganitong posisyon na binanggit ng Deputy Exec. Sec. ay talagang pagtatalikod ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pangako na tatanggalin at i-address yung problema endo at contractualization’’
Tahasang inihayag ni Tanjusay na tiyak na magagalit sa Pangulo ang maraming manggagawa kapag hindi naresolba ang matagal na aniyang pino problemang isyu ng endo at contractualization.
Ang ganitong posisyon ni Pangulong Duterte ay baka ho maraming mga manggagawa, mga kababayan natin na magagalit o magtatampo sa kanya dahil ito lang ang mga pangako niya na hindi pa natutupad at mukhang tatalikuran pa niya.’’
—-