Hindi pabor ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pagpataw ng Department of Finance ng mga bagong buwis para mabayaran ang utang ng Pilipinas.
Inihayag ni Alan Tanjusay ng TUCP na malaki ang impact ng inflation at giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia kung kaya’t ang laki ng ibinawas dito sa minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila
Aniya, maliit na lang ang suweldo na naiuuwi ngayon ng mga manggagawa.
Paliwanag pa ni Tanjusay na napakataas na ng mga bilihin at halaga ng serbisyo.
Sinabi pa nito na hindi na dapat patawan ng pamahalaan ng bagong buwis ang mga mahihirap dahil sa mataas na ang mga bilihin sa bansa at halaga ng serbisyo.
Dagdag pa ni Tanjusay na dapat munang makipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga manggagawa bago magpataw ng bagong buwis.