Hindi sang-ayon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa panukalang pahabain ang probationary period sa bansa.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, lalo lamang lalaganap ang kontraktiwalisasyon kung ito ay ipapatupad.
Imbis na makatulong aniya sa mga manggagawa sa bansa ay dagdag pahirap pa ito.
Iginiit naman ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, maraming empleyado ang magdurusa oras na maisabatas ang naturang panukala.
Aniya, mababawasan ang mga benepisyong matatanggap katulad na lamang ng 13th month pay.
Ang House Bill 4802 ay inihain ni Cong. Jose “Bonito” Singson Jr. na naglalayong gawing 24 na buwan ang probation period imbis na ang kasalukuyang 6 na buwan.