Pormal nang ihahain ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ngayong araw ang petisyon para sa hiling na dagdag sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa CALABARZON.
Ang naturang petisyon ay ihahain ng grupo ngayong umaga sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board Region 4A sa Calamba City, Laguna.
Iginiit ni Allan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP, na hindi na sapat ang P400 sahod ng mga manggagawa sa naturang rehiyon para sa kanilang gastusin.