Nagbabala ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP ng malawakang kawalan ng trabaho kung maipapasa at maipatutupad ang ikalawang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon sa TUCP, hindi pa rin matinag ang gobyerno sa pagsusulong ng TRAIN 2 habang marami pa rin ang umaaray at patuloy na nagrereklamo sa pagpapatupad pa lamang ng TRAIN 1.
Tinukoy ng grupo na kapag tinanggal ang mga tax subsidies at incentives ng mga kumpanya ay posibleng magdulot ng relokasyon sa ibang industriya na magdudulot naman ng kawalan ng trabaho ng maraming empleyado.
Kaugnay nito, umapela ang grupo sa Department of Finance at sa Kongreso na pag-aralang mabuti ang TRAIN 2 kung paano gagawin itong paborable sa mga mahihirap at consumer.
—-