Nilinaw ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na matagal na nilang ipinatutupad ang 4-day compress work week kung saan, kahit walang batas na umiiral ay pinahihintulutan ito ng Department of Labor and Employment.
Sa panayam ng DWIZ kay TUCP Secretary-General at Spokesperson Alan Tanjusay, hindi maaring gawing mandatory ang 4-day compress work week dahil may mga trabaho at industriya na hindi angkop na magtrabaho ng lampas sa walong oras kada araw.
Iginiit ni Tanjusay na maari namang magpatupad ng 4-day compress work week, pero sa ibang industriya at dapat na mayroong consultation, consent at agreement sa mga manggagawa. —sa panulat ni Angelica Doctolero