Tiwala ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na kakayanin ng karamihan ng mga employer ang inaprubahang umento sa sahod ng ng regional tripartite wages and productivity boards sa ilang rehiyon sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP, na nakausad na ang ekonomiya ng bansa at tuloy-tuloy na rin ang pagbubukas nito.
Gayunman, sinabi ni Tanjusay na kung hindi kakayanin ng ilang employer ang wage increase ng mga manggagawa ay papayagan ang mga ito na humiling ng exemption.
Mababatid na epektibo na ngayong buwan ang dagdag-sahod sa labing-apat pang rehiyon sa bansa kabilang ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Caraga at Ilocos Region.