Umaasa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na magkakatotoo na ang Department of Overseas Filipino Workers ngayong Disyembre tulad ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay TUCP president Raymond Mendoza, maituturing na napakagandang regalo para sa mga OFW sakaling maipasa na ang panukalang batas para sa pagbuo ng Department of OFW.
Inaasahang makikinabang dito ang P10.4-M mga OFWs sa iba’t ibang bansa.
Sa ikaapat na State of the Nation ng pangulo nangako ito sa pagsusulong ng Department of OFW para masigurong iginagalang at hindi naabuso ang mga karapatan at labor rights ng mga OFW.