Umalma ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa naging pasya ng pamahalaan na alisin na ang ipinatupad na deployment ban sa mga household service workers sa Kuwait.
Ito’y sa harap na rin anila ng hindi pa natatapos na gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait dahil sa mga serye ng pang-aabuso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) tulad ng sa nasawing si Jeanalyn Villavende.
Ayon sa TUCP, ang naturang pasya ni Labor Sec. Silvestre Bello III at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay patunay ng kawalang malasakit sa 200 OFW’s na nasawi dahil sa iba’t-iba at kuwesyunableng dahilan.
Nanghihinayang din ang TUCP na tinanggal na agad ang deployment ban gayung hindi pa naman ganap na napaplantsa ang mga mahahalagang usapin na tumatalakay sa kapakanan ng mga OFW sa Kuwait.