Maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kabikulan, Kabisayaan at Caraga.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa hilaga at silangang Luzon at silangang Kabisayaan at ang mga baybaying-dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.
Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
By Mariboy Ysibido