Trough of Low Pressure Area (LPA) pa rin ang nakakaapekto sa extreme northern Luzon.
Bunsod nito, maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulo-pulong mga pagkidlat pagkulog ang mararanasan sa mga isla ng Batanes, Kalayan at Babuyan.
Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pagkidlat pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang tinatayang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay nasa pagitan ng 26 hanggang 35 degrees celsius.
Sa ngayon, walang nakataas na gale warning sa bansa kaya maaari ng pumalaot at maglayag ang mga mangingisda.
By Mariboy Ysibido