Makakaranas pa rin ng maulap na kalangitan ang Mindanao dahil sa epekto ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) kasama na ang central at western Visayas, western Luzon katulad ng Bataan, Mindoro, Palawan at Zambales.
Ang mga lugar na nabanggit ay makakaranas ng light to moderate rains.
Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulo-pulong pagkidlat pagkulog.
Ang tinatayang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay mula 24 hanggang 33 degrees celsius.
Samantala, ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Forecaster Jori Loiz, hindi pa rin opisyal na nagdedeklara ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan ang PAGASA bagamat nakumpleto na ang mga criteria para pormal na ideklara ito.
By Mariboy Ysibido