Hindi kakagat si Transportation Secretary Arthur Tugade sa hamon ng ilang grupo na magcommute sa gitna ng matinding trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Tugade, regular siyang nagco-commute at sumasakay sa MRT, P2P at jeep.
Aniya, kapag siya ay sumasakay ay wala siyang kasamang media at hindi niya ito ini-aanjunsyo bagkus kasama niya ang kaniyang pamilya, at minsan ay ang kanyang staff.
Tinawag din niyang “psyche challenge” at “media oriented” ang naturang hamon.
Matatandaang nag-ugat ang commute challenge matapos ihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na walang ‘transport crisis’ sa bansa.
Pinabulaanan din ni Transportation Secretary Arthur Tugade na walang transport crisis sa bansa.
Ito ay katulad ng naunang pahayag ng Palasyo ng Malakanyang hinggil sa lagay ng trapiko sa bansa.
Paglilinaw ng kalihim, ang mayroon ngayon sa bansa ay ‘transport issues’ at hindi crisis.
Iginiit din ni Tugade na hindi porket may problema sa transportasyon ay matatawag na itong krisis at sa ngayon ay ginawagawan na ng paraan para maresolba ang problema.
Matatandaang una nang pinabulaanan ng palasyo ng Malakanyang ang naturang isyu.