Hindi kinakailangan na palitan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa kanyang posisyon kasunod ng kabiguan na isaayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ito ay matapos ang naging pahayag ni Senador Grace Poe na dapat nang palitan si Tugade sa kanyang pwesto dahil sa hindi nito nagagawa ang kanyang trabaho pagdating sa trapiko at usapin ng transportasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nanatili ang tiwala ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Tugade.
Aniya, inilatag na ni Tugade ang kinakailangan sa naging senate hearing at ito nga ay ang pagkakaloob ng emergency power sa Pangulo.
Sa halip ay binalikan pa ni Panelo si Poe kung saan sinabi nito na kung hindi lamang kinontra ng senadora ang pagbibigay ng emergency power sa Pangulo ay naayos na sana ang EDSA.