Humingi ng paumanhin si Transportation Secretary Arthur Tugade sa mga motorista at local government units na naapektuhan ng mabigat na daloy ng trapiko dahil sa aberya sa RFID system sa mga tollways.
Nilinaw ni Tugade na walang may intensyon na maranasan ng mga motorista ang anomang perwisyo na dinadanas ng mga ito ngayon dahil sa ipinatutupad na cashless transaction.
Aniya ang pangyayari ito ngayon ay kanilang ituturing na aral para ayusin at bigyang solusyon ang mga reklamo ng motorista hinggil sa RFID System.