Suportado ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang bagong traffic scheme na planong ipatupad ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority sa kahabaan ng EDSA.
Kaugnay ito ng panukalang expanded occupancy vehicle o HOV traffic scheme kung saan pagbabawalan nang dumaan sa EDSA ang mga pribadong sasakyang driver lamang ang sakay.
Ayon kay Tugade, tiwala siya sa mga ginagawang hakbang ng MMDA para masolusyunan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Una nang inanunsyo ng MMDA na kanila nang sisimulan ngayong linggo ang dry run para sa HOV traffic scheme sa kahabaan ng EDSA.
“Binibigayan galang ko ho ang mga pananaw at mga patuparin na mismong gagawin ng MMDA. Ako ho’y naniniwala sa wise judgement at discretion ng ating pamunuan sa MMDA. Nandiyan ho si General Lim at si Jojo Garcia bigyan ho natin sila ng konting tiwala sa kanila mga pinaplano at kagustuhan.” Pahayag ni Tugade.
(Interview from RATSADA BALITA)