Nanatiling sarado ang Tuguegarao airport matapos itong masira ng bagyong Ompong.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), inaasahang bukas ay maaari na itong magbalik operasyon matapos ang isinagawang pagkukumpuni sa paliparan.
Lubhang nasira ang passengers terminal building ng paliparan partikular ang bumagsak na kisame at nasirang mga bintana.
Simula pa noong Sabado ay ipinasara na ang naturang airport sa kasagsagan ng bagyo.
(Ulat ni Raoul Esperas)