Isinailalim muli sa mas maluwag na modified enhanced community quarantine ang Tugeguarao City, Cagayan, simula ngayong araw hanggang Setyembre 22.
Gayunman, nilinaw ni Mayor Jefferson Soriano na mananatili ang mahigpit na health protocols sa lungsod.
Ayon kay Soriano, kailangan pa ring gumamit ng quarantine pass sa paglabas ng bahay at pagpunta sa mga establisimyento habang 10% capacity lamang ang pinapayagan sa restaurants.
Pinapayagan na ang pagbili ng alak, subalit ipinagbabawal ang pag-inom sa labas habang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ang curfew.
Una nang isinailalim ang Tuguegarao sa ECQ noong Agosto 12.
Aabot na sa 900 ang active cases sa lungsod kabilang ang anim na namatay noong Sabado. —sa panulat ni Drew Nacino