Isasailalim ang Tuguegarao City, Cagayan sa sampung araw na enhanced community quarantine (ECQ) simula ika-20 ng Enero hanggang ika-19 ng Enero.
Ito’y matapos aprubahan ng Regional Inter Agency Task Force (RIATF) ang pagsasailalim sa Tuguegarao sa sampung araw na ECQ mula alas 12:01 ng umaga ng ika-20 hanggang hatinggabi ng ika-29 ng Enero.
Ayon kay Tuguegarao Mayor Jefferson Santiago, isasailalim sa ECQ ang buong lungsod dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), kung saan umabot na sa 246 aktibong kaso ang naitala sa lungsod.
Samantala, posibleng palawigin pa ang ECQ sa Tuguegarao ng limang araw sa oras na magpatuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19.
BREAKING NEWS | ENERO 19, 2021
RIATF INAPRUBAHAN NA ANG PAGSASAILALIM SA TUGUEGARAO CITY SA 10-ARAW NA…
Posted by Cagayan Provincial Information Office on Tuesday, 19 January 2021