Balik modified enhanced community quarantine (MECQ) ang buong lungsod ng Tuguegarao sa Cagayan Valley simula ngayong araw, Oktubre 3.
Ito’y kasunod ng biglaang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 gayundin ang pagkakaroon ng case clustering sa 19 na barangay sa lungsod.
Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, tatagal ng 14 na araw ang MECQ sa kanilang lungsod o hanggang Oktubre 16.
Dahil dito, suspendido ang biyahe ng mga pampublikong transportasyon, bawal ang social gatherings, limitado lamang ang paglabas sa mga bahay at mahigpit din nilang ipatutupad ang liquor ban gayundin ang curfew.