Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na mahigit sa 600 private schools ang nabigyan nila ng pahintulot na magtaas ng tuition fee ngayong pasukan.
Ayon kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, nagmula ito sa mahigit 400,000 pribadong paaralan sa buong bansa na naaprubahan ang increase bago pa man nagkaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Gayunman, sinabi Malaluan na kumbinsido sila na pakikinggan ng mga private schools ang apela ng huwag na munang ipatupad ang umento sa matrikula dahil sa pagliit ng bilang ng mga nag-e-enroll sa private schools.
Sa ngayon anya ay halos nasa 14% pa lamang ang nakapag enroll na sa private schools kung ikukumpara sa bilang ng kanilang mga estudyante nuong nakaraang school year.
Hindi naman kami pwedeng ring maggawa ng any arbitrary regulation and then make them accountable for such a regulation that maybe arbitrary. Medyo masalimuot itong hinaharap natin dahil; una, gusto rin nating mabigyan ng suporta ang mga private schools sa panahong ito at the same time kailangang ibalanse yan dun sa kalagayan ng ating mga magulang atsaka mag-aaral sa kanilang mga paaralan,” ani Malaluan.
Sa susunod na linggo ay nakatakdang pulungin ni DepEd Secretary Leonor Briones ang mga organisasyon ng private schools.
Sinabi ni Malaluan na maliban sa isyu ng pagtaas ng tuition fees ay pag uusapan rin ang iba pang mga problema na kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa ipatutupad na distance learning.
Sila mismo ay may mga isyu or concerns na hinaharap sa DepEd kagaya dun sa aming checklist for readiness ng mga schools dito sa blended learning meron yata silang gustong i-raise samin so, yung mga yang various issues ay pag-uusapan pati yung mga parang misinformation na lumabas na ititigil yung voucher program,” ani Malaluan. — panayam mula sa Ratsada Balita.