Pinarerepaso ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga kolehiyo at unibersidad ang kanilang bayarin sa gitna na rin ng bagong sistema ng pag-aaral dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ayon kay CHED chairman Prospero De Vera ay dahil ilang private schools na ang nagsumite ng application para sa singil sa matrikula sa unang quarter pa lamang ng taon o bago ang nasabing global health crisis.
Sinabi ni De Vera na ibinalik nila ang mga nasabing application para makapag konsulta muli sa mga estudyante at ipaliwanag ang kanilang application ng matrikula sa konteksto ng flexible learning.
Sa flexible learning aniya ay inaasahan nang mawawala ang ilang bayarin lalo nat ilang sports school activities, tulad ng sports fest at internship program, ang hindi pa rin pinapayagan sa gitna ng quarantine restrictions.
Ipinabatid ni De Vera na ilan sa mga nag apply para sa pagkakasa ng matrikula ay nagsabing hindi naman sila magtataas ng tuition fee.